Mga Awit 33:7-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. sa iisang dako, tubig ay tinipon,at sa kalaliman ay doon kinulong.

8. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!Dapat katakutan ng buong nilikha!

9. Ang buong daigdig, kanyang nilikha,sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

10. Ang binabalangkas niyong mga bansa,kanyang nababago't winawalang-bisa.

11. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,hindi masisira, ito'y mananatili.

12. Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Mga Awit 33