Mga Awit 32:9-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa,na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

10. Labis na magdurusa ang taong masama,ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahwehang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.

11. Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos,dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos;sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!

Mga Awit 32