Mga Awit 30:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas,mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.

2. Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing,at ako nama'y iyong pinagaling.

3. Hinango mo ako mula sa libingan,at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.

4. Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan,ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan,pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

5. Ang kanyang galit, ito'y panandalian,ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan.Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak,pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Mga Awit 30