Mga Awit 25:14-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan,ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.

15. Si Yahweh lang ang laging inaasahan,na magliligtas sa akin sa kapahamakan.

16. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan,pagkat nangungulila at nanlulupaypay.

17. Pagaanin mo ang aking mga pasanin,mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.

Mga Awit 25