5. tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan,tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.
6. Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,walang nakapagtatago sa init nitong taglay.
7. Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
8. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
9. Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay,magpapatuloy ito magpakailanman;ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan,patas at walang kinikilingan.