Mga Awit 146:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!

2. Pupurihin siya't aking aawitan;aking aawitan habang ako'y buháy.

3. Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak,kahit sa kaninong di makapagligtas;

4. kung sila'y mamatay, balik sa alabok,kahit anong plano nila'y natatapos.

5. Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,

6. sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Mga Awit 146