Mga Awit 143:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ako ay tinugis ng aking kaaway,lubos na nilupig ng aking kalaban;sa dilim na dako, ako ay nakulong,tulad ko'y patay nang mahabang panahon.

4. Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.

5. Araw na lumipas, aking nagunita,at naalala ang iyong ginawa,sa iyong kabutihan, ako ay namangha!

6. Ako'y dumalangin na taas ang kamay,parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)

Mga Awit 143