Mga Awit 137:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin,samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin?

5. Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin,kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem;

6. di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitinsa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin,kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.

7. Yahweh, sana'y gunitain, ginawa ng Edomita,nang ang bayang Jerusalem ay malupig at makuha;sumisigaw silang lahat na ang wikang binabadya:“Iguho na nang lubusan, sa lupa ay ibagsak na!”

8. Tandaan mo, Babilonia, ika'y tiyak wawasakin,dahilan sa ubod sama ang ginawa mo sa amin;yaong taong magwawasak, mapalad na ituturing

Mga Awit 137