Mga Awit 136:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

7. Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

8. Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

9. At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Mga Awit 136