Mga Awit 135:12-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam,ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang.

13. Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman,lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan.

14. Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod,ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos.

15. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto,kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.

16. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka,mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita;

Mga Awit 135