Mga Awit 124:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. maaaring kami noon ay nilamon na nang buháysa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan.

4. Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos,naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod;

5. sa lakas ng agos noo'y nalunod nga kaming lubos.

6. Tayo ay magpasalamat, si Yahweh ay papurihan,pagkat tayo'y iniligtas sa malupit na kaaway.

7. Ang katulad nati'y ibong sa bitag ay nakatakas;lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.

Mga Awit 124