Mga Awit 12:5-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. “Darating na ako,” sabi ni Yahweh,“Upang saklolohan ang mga inaapi.Sa pinag-uusig na walang magkupkop,hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

6. Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan,ang katulad nila'y pilak na lantay;tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.

7. Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan,sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;

8. Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar,ang mga gawang liko ay ikinararangal!

Mga Awit 12