Mga Awit 119:36-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

36. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos,higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.

37. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay;at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.

38. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod,ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot.

39. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam,sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay!

Mga Awit 119