1. Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.
2. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran,buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;
3. ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap,sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad.
4. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos,upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod.