19. Ang mga pintuanng banal na templo'y inyo ngayong buksan,ako ay papasok,at itong si Yahweh ay papupurihan.
20. Pasukan ni Yahwehang pintuang ito;tanging makakapasokay matuwid na tao!
21. Aking pinupuriikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan,dininig mo ako't pinapagtagumpay.
22. Ang batong itinakwilng mga tagapagtayo ng bahay,ang siyang naging batong-panulukan.
23. Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan.
24. O kahanga-hangaang araw na itong si Yahweh ang nagbigay,tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
25. Kami ay iligtas,tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas!At pagtagumpayin sa layuni't hangad.