5. Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran,Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.
6. Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo;noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.
7. Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala,pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya.
8. Ako'y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan,tinubos sa pagkatalo, at luha ko'y pinahiran.
9. Sa presensya ni Yahweh doon ako mananahan,doon ako mananahan sa daigdig nitong buháy.