Mga Awit 115:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan,hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang;walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.

2. Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.

3. Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin,at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.

4. Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos,sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Mga Awit 115