Mga Awit 107:24-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Nasaksihan nilaang kapangyarihan ni Yahweh,ang kahanga-hangangginawa ni Yahweh na hindi maarok.

25. Nang siya'y mag-utos,nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas,lumaki ang alonna kung pagmamasdan, ay pagkatataas.

26. Ang sasakyan nilahalos ay ipukol mula sa ibaba,kapag naitaasang sasakyang ito'y babagsak na bigla;dahil sa panganib,ang pag-asa nila ay halos mawala.

27. Ang kanilang anyo'yparang mga lasing na pahapay-hapay,dati nilang sigla'tmga katangia'y di pakinabangan.

28. Nang nababagabag,kay Yahweh sila ay tumawag,dininig nga silaat sa kahirapan, sila'y iniligtas.

Mga Awit 107