25. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil,ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin.
26. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos,sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.
27. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila,sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.
28. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain,ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin.
29. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy,pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.