Mga Awit 104:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas,ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap,sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.

4. Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy,at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.

5. Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.

6. Ang ibabaw ng saliga'y ginawa mong karagatan,at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.

7. Ngunit noong magalit ka itong tubig ay tumakas,nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.

8. Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan,natipon sa isang dako't naging isang karagatan,

9. matapos, ang ginawa mo'y naglagay ka ng hangganan,upang itong kalupaa'y di na muling laganapan.

10. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.

Mga Awit 104