Mga Awit 102:25-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.

26. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,at tulad ng damit, lahat ay kukupas;sila'y huhubaring parang kasuotan.

27. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,walang katapusan ang mga taon mo.

28. At ang mga anak ng iyong mga lingkod,mamumuhay namang panatag ang loob;magiging matatag ang kanilang angkan, sa pag-iingat mo, sila'y mananahan.

Mga Awit 102