Mateo 28:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Jesus.

2. Biglang lumindol nang malakas. Bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon.

3. Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit.

Mateo 28