Mateo 27:41-45 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

41. Kinutya naman siya ng mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan at mga pinuno ng bayan. Sinasabi nila,

42. “Iniligtas niya ang iba ngunit ang sarili ay hindi mailigtas! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumabâ lang siya ngayon sa krus ay maniniwala na kami sa kanya!

43. Nananalig siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Tingnan natin kung ililigtas siya ng Diyos!”

44. Nilait din siya ng mga magnanakaw na ipinakong kasama niya.

45. Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.

Mateo 27