Mateo 12:46-47-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Hindi ba ninyo nababasa sa Kautusan na tuwing Araw ng Pamamahinga, ang mga pari ay may ginagawa sa Templo na bawal gawin sa araw na iyon? Gayunma'y hindi sila nagkakasala!

6. Sinasabi ko sa inyo, may isang naririto na higit na dakila kaysa Templo.

7. Kung nauunawaan lamang ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, ‘Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog’, hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.

8. Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”

9. Pagkaalis ni Jesus sa pook na iyon, pumasok siya sa sinagoga.

46-47. Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap.”

48. Ngunit sinabi niya, “Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?”

49. Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid.

50. Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit, iyon ang aking ina at mga kapatid.”

Mateo 12