Marcos 9:45-46-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabuti po na nandito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

6. Nasabi ito ni Pedro sapagkat sila ay takot na takot.

7. Nililiman sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na nagsabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”

8. Nang tumingin sa paligid ang mga alagad, wala na silang ibang nakita maliban kay Jesus.

9. Nang sila'y bumababa na mula sa bundok, mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi pa muling nabubuhay ang Anak ng Tao.

45-46. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa impiyerno.

47. At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na kulang ng isang mata, kaysa may dalawang matang itapon ka sa impiyerno.

48. Doo'y hindi namamatay ang mga uod at ang apoy.

49. “Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy.

50. Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Maging kagaya kayo ng asin, at mamuhay kayong mapayapa sa isa't isa.”

Marcos 9