Marcos 7:7-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba,sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.’

8. Winawalang-kabuluhan ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo'y mga katuruan ng tao.”

9. Sinabi pa ni Jesus, “Ang gagaling ninyo! Para lamang masunod ang inyong mga tradisyon, pinapawalang-bisa ninyo ang utos ng Diyos!

10. Halimbawa, iniutos ni Moises na ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’, at ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

11. Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, ‘Naihandog ko na sa Diyos ang mga tulong ko sa inyo’;

12. ang taong iyon ay hindi na ninyo pinapatulong sa kanilang mga magulang.

13. Sa gayong paraan, pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga itinuturo ninyo. At marami pa kayong itinuturong katulad nito.”

Marcos 7