Marcos 3:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Muling pumasok si Jesus sa sinagoga. Naratnan niya roon ang isang lalaking paralisado ang isang kamay.

2. May ilang taong naroroon at inaabangan kung pagagalingin ni Jesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.

3. Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito!”

Marcos 3