30. Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?”“Pulutong,” sagot niya, sapagkat marami ang demonyong pumasok sa kanya.
31. Nagmamakaawa kay Jesus ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.
32. Samantala, may malaking kawan ng baboy na nagsisikain sa isang bundok na malapit doon. Nakiusap ang mga demonyo na papasukin sila sa mga iyon, at pinahintulutan naman sila ni Jesus.
33. Lumabas sa tao ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. Ang kawan ay biglang sumibad ng takbo at tuluy-tuloy na nahulog sa lawa at nalunod.