Lucas 7:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang matapos turuan ni Jesus ang mga tao, pumunta siya sa bayan ng Capernaum.

2. Doon ay may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan.

3. Nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang mga pinuno ng mga Judio upang pakiusapan si Jesus na dalawin at pagalingin ang alipin.

Lucas 7