5. Matatambakan ang bawat libis,at mapapatag ang bawat burol at bundok.Matutuwid ang daang liku-liko,at mapapatag ang daang baku-bako.
6. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7. Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating?
8. Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi na kayo, at huwag ninyong idahilan na mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham.