Lucas 23:54-56 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

54. Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.

55. Sumama kay Jose ang mga babaing sumunod kay Jesus mula pa sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus.

56. Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira.Dahil sumapit na ang Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa itinakda ng Kautusan.

Lucas 23