Lucas 19:31-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Kapag may nagtanong kung bakit ninyo iyon kinakalagan, sabihin ninyong kailangan iyon ng Panginoon.”

32. Lumakad nga ang mga inutusan at natagpuan nila ang asno, ayon sa sinabi ni Jesus.

33. Habang kinakalagan nila ang batang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?”

34. “Kailangan po ito ng Panginoon,” tugon nila.

35. Dinala nila kay Jesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya'y pinasakay nila.

Lucas 19