4. upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga itinuro sa inyo.
5. Noong panahong si Herodes ang hari ng Judea, may isang paring Judio buhat sa grupo ni Abias na ang pangala'y Zacarias. Ang kanyang asawang si Elisabet ay mula rin sa angkan ni Aaron.
6. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos at namumuhay nang tapat sa mga utos at tuntunin ng Panginoon.
7. Wala silang anak dahil baog si Elisabet at kapwa sila matanda na.
8. Isang araw, nanunungkulan ang pangkat ni Zacarias at ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa harapan ng Diyos bilang isang pari.
9. Nang sila'y magpalabunutan, ayon sa kaugalian ng mga paring Judio, siya ang napiling magsunog ng insenso. Pumasok siya sa Templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng insenso,
39-40. Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet.
41. Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo.
42. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!
43. Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?
44. Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan.
45. Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!”
46. At sinabi ni Maria,“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
47. at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
48. sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;
49. dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.Siya'y banal!
50. Ang kanyang kahabagan ay para sa mga taoat sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.
51. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,nilito niya ang mga may palalong isip.