Lucas 1:34-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

34. “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.

35. Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos.

36. Hindi ba't alam ng lahat na ang kamag-anak mong si Elisabet ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na,

37. sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Lucas 1