Levitico 23:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Kinabukasan ay Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa; pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.

7. Sa unang araw, magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon; huwag kayong magtatrabaho.

8. Pitong araw kayong mag-aalay kay Yahweh ng handog na susunugin. Sa ikapitong araw, muli kayong magkakaroon ng banal na pagtitipon; huwag kayong magtatrabaho.”

9. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

Levitico 23