10. Ngunit ang isdang walang palikpik at kaliskis, malaki man o maliit, sa dagat o ilog ay marumi para sa inyo.
11. Huwag kayong kakain nito at iwasan ninyo ang mga patay nito.
12. Lahat ng nilikha sa tubig na walang palikpik at kaliskis ay huwag ninyong kainin.
13. “Tungkol naman sa mga ibon, ang mga ito ang huwag ninyong kakainin sapagkat marurumi: ang agila, ang buwitre at ang agilang-dagat;
14. ang lawin at ang limbas at mga kauri nito;
15. lahat ng uri ng uwak;
16. ang ostrits, panggabing lawin, lawing dagat at mga kauri nito;
17. lahat ng uri ng kuwago, ibong maninisid ng isda,
18. ang kuwagong parang may sungay, at ang pelicano;
19. ang lahat ng uri ng tagak, ang tariktik, paniki at kabag.
20. “Lahat ng kulisap na may pakpak at may apat na paa ay marurumi para sa inyo,
21. maliban sa mga kulisap na lumulundag,
22. tulad ng lahat ng balang na mahahaba ang ulo, balang na kulay berde at bawat balang sa ilang.
23. Ang lahat ng naglipanang lumilipad na may apat na paa ay ituturing ninyong marurumi.
24. “Ang sinumang humawak sa bangkay ng mga hayop na ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
25. Ang sinumang dumampot sa mga ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw at dapat niyang labhan ang kanyang damit.
26. Bawat hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura ay marumi nga at ituturing na marumi rin ang bawat humawak rito.
27. Ituturing ninyong marumi ang mga hayop na may apat na paa, ngunit ang kuko'y hindi sumasayad sa lupa kapag lumalakad. Ang sinumang humawak sa bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
28. Dapat labhan ang kasuotan ng sinumang humawak nito at siya ay ituturing ninyong marumi hanggang sa paglubog ng araw.
29. “Sa mga hayop na naglipana sa lupa, ituturing ninyong marumi ang mga sumusunod: ang bubuwit, ang daga, at lahat ng uri ng bayawak;