Juan 15:8-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad.

9. Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.

10. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.

11. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan.

12. Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

13. Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Juan 15