41. Sinabi ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagpahayag siya tungkol kay Jesus.
42. Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang nanalig sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga.
43. Mas ginusto nilang kalugdan sila ng tao kaysa kalugdan sila ng Diyos.