Josue 19:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pangalawang lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Simeon. Nasa loob ng lupain ng Juda ang lupaing ibinigay sa kanila.

2. Sakop nito ang Beer-seba, Seba at Molada;

3. Hazar-shual, Bala at Ezem;

4. Eltolad, Bethul at Horma;

5. Ziklag, Beth-marcabot at Hazar-susa;

6. Beth-lebaot at Saruhen—labing-tatlong lunsod at bayan ang sakop nila.

7. Kasama rin ang apat na lunsod ng Ayin, Rimon, Eter at Asan at ang mga karatig-bayan nito.

8. Sakop nito ang mga nayon sa paligid hanggang Baalat-beer o Rama ng Negeb. Ito ang lupaing napunta sa lipi ni Simeon bilang bahagi nila.

Josue 19