4. Akala ko'y malayo na ako sa inyo,at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo.
5. Hinigop ako ng kalaliman,hanggang sa tuluyang lumubog;napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat.
6. Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,sa libingan ng mga patay.Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
7. Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.
8. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosanay hindi naging tapat sa inyo.