2. Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito?Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito?
3. Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo,magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo?
4. Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan,na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran?
5. Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruinupang mga babaing lingkod mo ay aliwin?
6. Tawaran kaya siya ng mga mamimili,paghatian kaya siya upang maipagbili?
7. Tablan kaya ang makapal niyang balat,sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat?
8. Hawakan mo siya kahit na minsan lang,hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban.
9. “Ang sinumang sa kanya'y makakakita,sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa.
16-17. Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit,walang pagitan, ni hangin ay di makasingit.
18. Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy,mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon.
19. Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas,mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab.
20. Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok,parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog.
21. Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab;naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat.
22. Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan,sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan.
23. Walang mahinang bahagi sa kanyang balat,tulad ng bakal, matigas at makunat.