Job 36:10-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Sila'y kanyang sinasaway at binabalaanna tumalikod sa kanilang kasamaan.

11. Kung sila ay makinig at sa Diyos ay maglingkod,buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot.

12. Ngunit kapag sila'y di nakinig at pinairal ang kamangmangan,tiyak na kamatayan ang kanilang hahantungan.

13. “Poot ang naghahari sa dibdib ng masama,parusahan man ng Diyos, ayaw pa ring magmakaawa.

14. Sa kanilang kabataan sila ay namamatay,nagwakas sa kahihiyan ang kanilang mga buhay.

15. Ang tao'y pinaghihirap ng Diyos upang bigyang-aral,at kanyang pinagdurusa upang mabuksan ang kanilang pananaw.

Job 36