8. Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa,sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.
9. “Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing,sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin.
10. Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos,na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot.
11. Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan,higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan.
12. Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan,pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan.