Job 31:24-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. “Kung ako ay umasa sa aking kayamanan,at gintong dalisay ang pinanaligan;

25. kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang,o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;

26. kung ang araw at ang buwan ay aking sinamba;

27. kung ako'y natangay kahit na lihim lamang,o nagpugay kaya sa sarili kong kamay;

28. ako nga'y nagkasala at dapat hatulan,pagkat itinakwil ko ang Diyos na Makapangyarihan.

29. “Pagdurusa ng kaaway, hindi ko ikinatuwa,ni sa kanilang kapahamakan ako ay nagsaya;

Job 31