Job 26:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang tubig ay iniipon sa balumbon ng mga ulap,at pinipigil niya ito kahit na anong bigat.

9. Ang buwang kabilugan, sa ulap ay kanyang tinatakpan.

10. Pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman,ng bilog na guhit sa ibabaw ng karagatan.

11. Mga haligi nitong langit ay nanginginig sa takot,nauuga, nayayanig kapag sinaway ng Diyos.

Job 26