Job 22:6-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad,upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad.

7. Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom;hindi mo pinakain ang mga nagugutom.

8. Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam,at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan.

Job 22