Job 16:5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Ngunit ang sasabihin ko'y pampalakas ng inyong loob,mga salitang bibitiwa'y pampabawas ng kirot.

6. “Kung ako ay magsalita, hirap ko'y di maaalis;kung magsawalang-kibo nama'y naroon pa rin ang sakit.

7. Pinanlupaypay ng Diyos ang abâ kong katauhanat nilipol pa niya pati aking sambahayan.

8. Nakadikit na sa buto at kulubot ang aking balat,larawan ng mga hirap na aking dinaranas;ito raw ay katunayan ng aking kasalanan.

9. Dahil sa matinding poot niya sa akin halos ako'y kanyang pagputul-putulin;mga mata'y nanlilisik, may poot kung tumingin.

10. Nilalait ako ng mga tao,pinapaligiran at sinasampal ako.

11. Ipinaubaya na ako ng Diyos sa masasama, pinabayaan sa mga taong walang awa.

12. Sa aking pananahimik,ako'y kanyang ginambala,sinakal, dinurog at pinuntirya ng pana.

13. Tinatamaan ako ng pana sa kabi-kabila,sugat ko'y malubhangunit wala pa rin siyang awa.

Job 16