Job 12:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ang mga tulisan at masasamang tao'y panatag ang buhay,kahit ang dinidiyos nila ay ang lakas nilang taglay.

7. “Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan.

8. Kausapin mo ang lupa at ikaw ay tuturuan, magpapahayag sa iyo ang mga isda sa karagatan.

9. Silang lahat ay nakakaalam na ang Diyos ang sa kanila'y lumalang.

10. Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay,ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay.

Job 12