17. Ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Isipin ninyo ang mga nangyayari!Tawagin ninyo ang mga taga-iyak,ang mga babaing sanay managhoy.”
18. Sabi naman ng mga tao,“Pagmadaliin sila upang managhoy para sa atin,hanggang sa bumalong ang ating mga luhaat mamugto sa pag-iyak ang ating mga mata.”
19. Dinggin mo ang panaghoy sa Zion,“Nasalanta na tayo!Napakalaking kahihiyan nito!Lisanin na natin ang ating lupain;sapagkat wasak na, mga tahanan natin.”
20. Sinabi naman ni Jeremias,“Mga babae, pakinggan ninyo si Yahweh,at unawain ang kanyang sinasabi.Turuan ninyong managhoy ang inyong mga anak na babae,gayon din ang kanilang mga kaibigan.
21. Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan,at sa magagarang palasyo;pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan,at ang mga kabataang nasa pamilihan.