Jeremias 48:4-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. “Wasak na ang Moab.Iyakan ng mga bata ang siyang maririnig.

5. Sa pag-akyat sa Luhit,mapait na tumatangis ang mga mamamayan;pagbaba sa Horonaim,naririnig ang paghiyaw ng ‘Kapahamakan!’

6. Tumakas kayo, iligtas ninyo ang inyong buhay,gaya ng mailap na asno sa disyerto.

7. “Mga taga-Moab, dahil nagtiwala kayo sa inyong lakas at kayamanan,kayo'y malulupig din;at dadalhing-bihag ang diyus-diyosan ninyong si Quemos,pati ang kanyang mga pari at mga lingkod.

Jeremias 48